^

Police Metro

Paslit napatay ng lasing na tatay

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dahil umano sa sobrang kalasingan ay aksidenteng nabaril at napatay ng isang tatay ang kanyang 10-anyos na anak na lalaki na naganap kamakailan sa Caloocan City.

Ang suspek na nakakulong sa Caloocan police detention cell at kinasuhan ng parricide ay kinila­lang si Glenn Guttierez, 44, residente ng Lot 7-E, Phase 3, Hipon Alley, Dagat-Dagatan ng naturang lungsod.

Ang nasawi ay kinilalang si Jefferson Guttierez, na nagtamo ng tama ng bala sa dibdib.

Sa naantalang ulat ng Caloocan City Police, dakong alas-10:45 ng gabi noong Nobyembre 20 ay natutulog ang biktima at ang ate nitong si Glenda sa sofa ng kanilang bahay nang dumating ang ama na lango sa alak.

Dito ay pinaglaruan nito ang hindi pa mabatid na kalibre ng baril hanggang sa biglang pumutok at tinamaan ang natutulog na anak.

Nawala ang pagkalasing ng ama at siya na mismo ang nagsugod sa anak sa Caloocan City Medical Center, subalit namatay din ito habang nilalapatan ng lunas.

vuukle comment

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY MEDICAL CENTER

CALOOCAN CITY POLICE

DAGAT-DAGATAN

DAHIL

GLENN GUTTIEREZ

HIPON ALLEY

JEFFERSON GUTTIEREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with