Rep. Atienza kay Pacman: Gumamit ng utak sa laban
MANILA, Philippines - Isang araw bago ang laban ni Saranggani Rep. Manny Pacquiao laban kay Chris Algieri ay pinaalalahanan ito ng kanyang mga kaibigan at kaalyado sa Kamara.
Payo ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. kay Pacman na huwag maging kampante sa kanyang laban kay Algieri at sa halip ay dapat nitong ibigay ang lahat ng kanyang makakaya.
Kaya sa bandang huli umano ay tiyak naman ang panibagong tagumpay ng Peoples champ.
Pinayuhan naman ni Negros Occidental Rep. Albee Benitez, dapat na matulog ng maaga si Pacquiao dahil sa ngayon ay madalas umanong nagpupuyat o pambansang kamao sa pagdadasal.
Para naman sa itinuturing na ama-amahan ni Pacquiao na si Buhay partylist Lito Atienza, na magkasama sa Macau personal umano nitong pinayuhan ang pambansang kamao na magtiwala lang sa sarili at sa diyos.
Bukod dito pinayuhan din umano ni Atienza, ang pambansang Kamao na mag-relax at gamitin ang isip o utak sa kanyang laban upang mapanatili nito ang kanyang titulo.
- Latest