^

Police Metro

Nanay naalimpungatan, anak na sanggol inihagis, todas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Aksidenteng naihagis ng isang ina sa pinto ang kanyang sanggol na lalaki matapos na naalimpu­ngatan naganap sa Carcar City, Cebu.

Ang sanggol na si Eugene Tulod Gomez, 1-anyos, ay  binawian ng buhay  kamakalawa ng gabi ilang oras matapos na isugod sa  Carcar City District Hospital.

Inaresto ng mga pulis ang ina na si Catherine Tulod, residente ng General Luna St., Poblacion II ng lungsod ng Carcar at sinampahan ng kasong infanticide.

Ayon sa pulisya, ang insidente ay ini-report sa mga otoridad ng kapatid ng suspek na si Ronil Tulod, 16-anyos dakong alas-12:00 ng tanghali.

Base sa imbestigasyon, nag-iiyak ang sanggol na nagugutom kaya ginising ni Ronil ang kaniyang ate Catherine para padedein ang anak.

Dahil sa naalimpungatan ito sa pagtulog ay hina­wakan nito sa dalawang paa ng  sanggol at malakas na inihagis sa pintuan kaya’t nabasag ang bungo nito.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang sanggol pero nabigo ng maisalba pa ang buhay nito.

Nakatakdang isailalim sa “psychogical test” ang ina upang mabatid kung may diperensya ito sa pag-iisip ng gawin ang krimen.

 

vuukle comment

AKSIDENTENG

AYON

CARCAR

CARCAR CITY

CARCAR CITY DISTRICT HOSPITAL

CATHERINE TULOD

EUGENE TULOD GOMEZ

GENERAL LUNA ST.

RONIL TULOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with