^

Police Metro

Sementong monoblock bumagsak:2 karpintero utas

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Idineklarang dead-on-arrival ang dalawang karpintero habang isa ang nasugatan matapos na sila ay mabagsakan ng sementadong monoblock mula sa ika-14 palapag ng ginagawang gusali sa Quezon City, kamakalawa.

Nakilala ang mga nasawing sina Reynaldo Talento, 50, Taytay Rizal; at Arsie Pelong, 38, ng Cabilang Baybay, Carmona, Cavite. Habang ang nasugatan na kasalukuyang nakaratay sa ospital ay si Peter Gemao, 39, ng Mandaluyong City.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Joselito Gagaza, dakong alas-4:00 ng hapon nang mangyari ang insidente sa One Eastwood Tower 1 na matatagpuan sa Eastwood City, Brgy. Bagumbayan.

Sa salaysay sa pulisya ni Jimmy Estrabella, at dalawa pang kasama na sila ay nasa ika-14 na palapag ng natu­rang gusali at abala sa  pagsisimento ng hagdanan gamit ang chain monoblock nang bigla itong nagiba.

Nagkataon ang mga nasawing  sina Talento at Pelong ay nasa ika-12 nang tamaan ng na pre-cast na hagdan.Habang nasa ground floor naman nang tamaan si Gemao.

 

vuukle comment

ARSIE PELONG

CABILANG BAYBAY

EASTWOOD CITY

HABANG

JIMMY ESTRABELLA

JOSELITO GAGAZA

MANDALUYONG CITY

ONE EASTWOOD TOWER

PETER GEMAO

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with