^

Police Metro

Garin pagsusuotin ng protective gear sa Senado

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nais ng Senado na pagsuotin ng protective gear kung haharap si acting Health Secretary Jane Garin matapos mabatikos ang ginawang pagtungo sa Caballo Island kung saan sumasailalim sa 21 days quarantine ang mga Pinoy peacemakers na binabantayan kung may magkakaroon ng Ebola virus.

Sa deliberasyon kahapon ng pambansang budget para sa 2015, tinanong ni Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III si Senator Francis “Chiz” Escudero, chairman ng Senate Committee on Finance kung matitiyak ba nito ang pagdating ni Garin sa Senado kahit pa nanggaling ito sa Caballo Island dahil sa, isasalang na sa Lunes ang panukalang budget ng DOH sa Nobyembre 24, 2014.

“She can always  wear protective gear Mr. President,” pagbibiro ni Escudero.

Pero, ayon kay Sotto posibleng hindi makita ng mga senador ang ekspresyon ng mukha ni Garin kung nakasuot ito ng protective gear.

Sumagot naman si Escudero na pagbibigyan nila kung anuman ang hilingin isuot ni Garin.

Nauna rito, binatikos ni Senator Joseph Victor “JV” Ejercito ang ginawang pagtungo ni Garin sa Caballo Island dahil ito mismo ang luma­bag sa ipinatutupad na quarantine period para sa mga sundalo.

vuukle comment

CABALLO ISLAND

GARIN

HEALTH SECRETARY JANE GARIN

MR. PRESIDENT

SENADO

SENATE COMMITTEE

SENATE MAJORITY LEADER VICENTE

SENATOR FRANCIS

SENATOR JOSEPH VICTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with