^

Police Metro

Mag-ina patay sa QC fire

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang mag-ina habang isang fire volunteer ang nasugatan nang lamunin ng apoy ang may 25 kabahayan sa Barangay Valencia, Quezon City kahapon.

Kinilala ang mga  nasawing sina Evangeline Trinidad, 43; at Maria Cresencia Trinidad, 72, na ang bangkay ay narekober sa ikalawang palapag ng kanilang bahay sa nasabing lugar.

Batay sa ulat, dakong alas-11:08 ng umaga nang magsimula umano ang sunog sa bahay ng isang Elisa Ramos, 52 na kapitbahay ng mag-inang Trinidad.

Dahil gawa lamang sa light materials ang mga bahay ay agad na kumalat ang apoy at nadamay ang mga katabing kabahayan.

Umabot ng ikaapat na alarma ang sunog bago idineklarang fireout ng mga rumespondeng bumbero.

Umaabot sa 50 pamilya ang nawalan ng bahay habang nasa P500,000 ang halaga ng nasunog na mga ari-arian.

vuukle comment

BARANGAY VALENCIA

BATAY

DAHIL

ELISA RAMOS

EVANGELINE TRINIDAD

KINILALA

MARIA CRESENCIA TRINIDAD

NASAWI

QUEZON CITY

UMAABOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with