Nagsunog, tumalon, nagbaril, nagsaksak at nagbigti... 6 katao nag-‘Goodbye World’
MANILA, Philippines - Anim na katao na umano ay hindi kinaya ang mga problemang kinakaharap sa buhay ang nagpakamatay sa iba’t ibang kaparaanan sa magkakahiwalay na lugar.
Sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay ay nagpakamatay ang 60-anyos na si Maria Tubal sa pamamagitan nang pagsunog sa sarili sa isang basurahan kamakalawa ng hapon sa Brgy. Ali Alsree, Remedios Trinidad (RT) Lim ng nasabing lungsod.
Ayon sa mga kaanak na matindi ang dinaranas na depresyon dahil sa pagiging matandang dalaga nito.
Tumalon naman sa isang maburak na creek sa Binondo, Maynila ang 29-anyos na si Cyra Jacob, ng Valderama St., Delpan, Binondo kamakalawa ng hapon dahil sa problema kung paano bubuhayin ang limang anak dahil hindi kasya ang kita niya sa pamamasada sa pedicab.
Nagbaril naman sa ulo ang 56-anyos na si Buenvenido Yap, ng Freedom St., Brgy. Pasong Tamo, Quezon City dahil sa hindi makayanang sakit na severe thyroid malignancy.
Nagbigti naman ang 53-anyos na si Emilio Elic sa ilalim ng hagdanan ng ikalawang palapag ng kanilang bahay sa Gawaran Extension, Brgy.Molino 7, Bacoor City kahapon ng alas-8:00 ng umaga dahil sa nahihirapan sa sakit nitong diabetes.
Ang ikalimang nagpakamatay ay nang tumalon mula sa ikaapat na palapag ng isang Mall sa Quezon City ang isang lalaki na lulong sa droga kahapon ng alas-11:00 umaga.
Inilarawan ng pulisya ang lalaki na nasa edad na 30-35, may taas na 5’5, nakasuot ng kulay dilaw na jersey, basketball short, may tattoo na BNG sa balikat, Princesa sa may likod at Bahala Na Gang sa may hita.
Ang ikaanim na nagpakamatay ay si Rodolfo Torno, 56, may-asawa, tricycle driver matapos na saksakin nito ang sarili sa loob ng kanyang bahay sa Purdue St., Brgy. E. Rodriguez, Cubao, Quezon City dahil lang sa sobrang kalasingan.
- Latest