^

Police Metro

6 menor de edad nasagip sa ‘flesh trade’

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nasagip ng mga otoridad ang 6 kabataan na umano ay ibinubugaw para sa mga naghahanap ng panandaliang-aliw nang salakayin ang kanilang safehouse sa isang lugar sa Baseco, Port Area, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Nasa kustodya na ng pulisya ang anim na kabatang na itinago sa  pangalang Myka, 17, ng Valderrama St., Binondo; Andi, 13, grade 5 ng Delpan, Binondo; Era, 14, grade 5, ng Delpan, Binondo; “Mimi”,16, grade 6 , ng Delpan at   Frenzy, 14, grade 5, ng Delpan, Binondo, Maynila at Benjie,19.

Ang pagkakasagip sa mga biktima ay nang hu­mingi ng ayuda ang kanilang mga magulang sa MPD Headquarters upang ipagharap ng reklamo ang isang umano’y bading na kilala lamang sa alyas na “Panggo Aramis”, ng Baseco, Port Area.

Ayon sa mga magulang na nakatanggap sila ng impormasyon na ang kanilang anak ay itinatago ng suspek sa safehouse na matatagpuan sa Brgy. 649, Zone 68, District 5, Baseco  para ibugaw.

Sa halip na nag-aaral ang mga menor-de-edad ay nagtutungo umano sa nasabing safehouse upang kumita.

vuukle comment

ANDI

AYON

BASECO

BINONDO

DELPAN

MAYNILA

PANGGO ARAMIS

PORT AREA

VALDERRAMA ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with