^

Police Metro

5 tinodas sa droga

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ang umano’y onsehan sa droga ang dahilan ng pagpatay sa limang katao na kinabibilangan ng tatlong Guest Relation Officer (GRO) nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga suspek kamakalawa sa Tacurong City, Sultan Kudarat.

Ang mga nasawing GRO ay kinilalang sina Rhea Ramirez, ng Ge­neral Santos City; Joan Mamon, ng Columbio, Sultan Kudarat at Regine Dalogdog; tricycle driver na sina Felix Rodrigo at Manuel Rafael Jr; kapwa residente ng lungsod.

Sa ulat, bandang alas-4:00 ng madaling araw nang matagpuan sa gilid ng kalsada sa Purok Masagana, Brgy. New Lagao ang bangkay ng mga biktima na pawang tadtad ng mga tama ng bala ng cal 9 MM pistol sa katawan.

Lumilitaw sa im­bestigasyon na nagtungo sa lugar sina Dalogdog sakay ng tricycle nina Rodrigo at Rafael dahilan may bibilhin ang mga ito nang tambangan ng mga armadong kalalakihan pagsapit sa lugar.

May hinala ang pu­lisya na may kinalaman sa droga ang krimen dahilan ang Brgy. New Lagao ay kila­lang talamak na bentahan ng bawal na gamot sa lungsod.

vuukle comment

BRGY

FELIX RODRIGO

GUEST RELATION OFFICER

JOAN MAMON

MANUEL RAFAEL JR

NEW LAGAO

REGINE DALOGDOG

SULTAN KUDARAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with