^

Police Metro

Biyahe ng MRT nagkaaberya dahil sa basura

Mer Layson, Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Muli na namang nagkaaberya ang biyahe ng Metro Rail Transit (MRT)-3 kahapon ng umaga dahil sa basura.

Batay sa ulat, pasado alas-10:00 ng umaga ay kinaila­ngang ihinto ang operasyon sa pagitan ng Magallanes at Taft Ave. stations matapos may sumabit na basura sa kableng nagsusuplay ng kuryente sa mga bagon ng tren.
Mahigit isang oras na tumakbo ang MRT nang mula North Ave. hanggang Shaw Blvd. at pabalik lamang.

Ayon kay MRT-3 General Manager Renato San Jose, kinailangan muna nilang tanggalin ang basura dahil sa pangambang sumabit pa ito sa mga bagon ng tren at magsanhi ng short circuit.

Nakiusap  si San Jose sa mga dumadaan sa footbridge sa ibabaw ng MRT na huwag basta-basta magtapon ng basura upang maiwasan ang aberya sa biyahe.

AYON

BATAY

GENERAL MANAGER RENATO SAN JOSE

MAGALLANES

MAHIGIT

METRO RAIL TRANSIT

NORTH AVE

SAN JOSE

SHAW BLVD

TAFT AVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with