Chinese national kinasuhan ng murder
MANILA, Philippines – Sinampahan ng kasong murder ang isang Chinese national matapos barilin at mapatay ang kanyang lover na Chinese lady trader kamakalawa sa Tondo, Maynila.
Ang suspek na si Benson Uy, 66 ay kasalukuyang binabantayan ng mga pulis sa Chinese General Hospital nang madaplisan ng bala nang magbaril sa sarili.
Narekober ang kalibre 45 baril na ginamit ng suspek sa pagpatay sa biktimang si Jenny Lu, 42, may-asawa, at may-ari ng Lucky Power Glassware sa 459 Elcano sa panulukan ng Claro M Recto Avenue, Tondo.
Ayon sa pulisya na hindi puwedeng maging homicide ang kaso dahil planado umano ang krimen batay na rin sa nakita sa CCTV kung saan nakita sa labas ng tindahan na naninigarilyo ang suspek at bago pumasok sa tindahan habang sinesenyasan ng biktima na umalis.
Nagsalita pa umano sa wikang Intsik ang biktima sabay bato ng tsinelas sa suspek hanggang sa makitang bumunot ito ng baril at pinaputukan ang biktima.
Hindi tinamaan sa unang putok ang biktima kung kaya’t muli itong binaril ng suspek hanggang tamaan sa tagiliran.
- Latest