Chinese trader dedo sa lover
MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si Jenny Lu, Chinese national, may-ari ng Lucky Power Store matapos na barilin ng umanoy lover nito na si Benson Uy, 55 hanggang 60 anyos, Chinese national.
Sa ulat, dakong alas-9:30 ng umaga sa loob ng tindahan ng Lucky Power ay dumating ang suspek at matapos na magsalita ng Chinese ay walang kaabog-abog na binaril ang biktima na tinamaan sa tagiliran.
Nang bumulagta ang biktima ay nagbaril sa sarili ang suspek na kritikal ang lagay sa ospital.
Patuloy ang imbestigasyon sa kaso.
- Latest