^

Police Metro

Hostage taker napatay

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dead-on-the spot ang isang lalaki nang ito ay mabaril ng mga rumespondeng pulis matapos na i-hostage ang isang kahera ng karinderya kamakalawa ng gabi sa Pedro Gil St., Ermita, Maynila.

Walang nakuha na anumang pagkakakilanlan sa suspek na inilarawan na ang edad ay nasa pagitan ng 35-40, may taas na 5’0, may tattoo na larawan ng pakpak at “Michael” sa  kanang braso, kulay itim ang suot na t-shirt na may logo ng Delta Sigma Fraternity.

Ang biktima na dinala sa Philippine General Hospital (PGH) ay kinilalang si Joana Lacsamana, 21, kahera ng RJ Luncheonette, residente ng Peñafrancia St., Paco at nagtamo ng mga sugat sa ulo at braso.

Batay sa ulat, bago nangyari ang hostage taking dakong alas-10:30 ng gabi sa loob ng nasabing ka­rinderya na matatagpuan sa no.  799 P. Gil St., panulukan ng  Taft Ave., Maynila ay nagulat na lamang ang mga tao sa loob nang walang sabi-sabing pumasok sa kusina ang suspek.

Kaya’t sinita ito, subalit  nakadampot ang suspek ng kutsilyo at nilapitan si Lacsamana at ginawang hostage kaya’t tumawag na ng pulis na rumesponde sa lugar.

Sinubukang kausapin ng mga pulis ang suspek upang mapahupa ang galit ay tinago nito ang braso ni Lacsamana kaya’t nagpasiya ang mga pulis na barilin ito na namatay noon din.

Iniimbestigahan ng pulisya ang dahilan ng pagwawala at pangho-hostage ng suspek at kung ito ay nasa tamang pag-iisip nang isagawa ang krimen. 

 

vuukle comment

DELTA SIGMA FRATERNITY

GIL ST.

JOANA LACSAMANA

LACSAMANA

MAYNILA

PEDRO GIL ST.

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

TAFT AVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with