^

Police Metro

Labi ni ex-Sen. Flavier dinala sa DOH

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dinala kahapon sa compound ng Department of Health (DOH) ang labi ni dating Senator Juan Flavier para sa gagawing necrological service.

Magugunita na Huwebes nang sumakabilang buhay si Flavier sa Natio­nal Kidney and Transplant Institute (NKTI) dahil sa multiple organ failure sanhi ng pneumonia.

Si Flavier ang nagpatupad ng “Doctor to the Barrios” noong siya ang kalihim ng DOH mula Hul­yo 1992 hanggang Enero 1995 sa ilalim ng Ramos administration.

Siya rin ang nagbigay ng battlecry na “Let’s DOH it” para sa iba’t ibang prog­rama at proyekto kabilang ang anti-smoking campaign na “Yosi Kadiri.”

Ipinatupad din ni Flavier ang mga programang Healthy Places Initiative, Stop D.E.A.T.H Program, National Voluntary Blood Service Program, Oplan Sagip Mata, Hataw Fitness Program, Pusong Pinoy, at mga Hospital bilang Center para sa Wellness Program.

Nag-resign ito sa DOH para tumakbo bilang senador noong 1995.

DEPARTMENT OF HEALTH

FLAVIER

H PROGRAM

HATAW FITNESS PROGRAM

HEALTHY PLACES INITIATIVE

KIDNEY AND TRANSPLANT INSTITUTE

NATIONAL VOLUNTARY BLOOD SERVICE PROGRAM

OPLAN SAGIP MATA

PUSONG PINOY

SENATOR JUAN FLAVIER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with