^

Police Metro

‘May nagwang-wang’? isumbong - Roxas

Pang-masa

MANILA, Philippines – Hinikayat ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ang mga mamamayang maging alerto at magsumbong sa DILG ukol sa anumang uri ng paggamit ng ‘utak wang-wang’ ng ilang kawani ng lokal na pamahalaan.

Ito ay bilang tugon sa pangyayaring  kinasangkutan ng isang abogada at ng mga bodyguard ni Bulacan Mayor Patrick Meneses.

Nagkataong asawa ng publisher ng pahayagan ang abogadang lulan ng Sports Utility Vehicle (SUV) na minamaneho ng kanilang anak, na siyang pinagmumura at sinabing tinutukan ng baril ng mga bodyguard na kasama sa convoy ng sasakyang nakarehistro sa ina ni Meneses.

Sinabi rin ni Roxas na habang sinisiyasat ng mga otoridad ang nangyari, dapat daw na maging alerto ang mga mamamayan sa ganitong uri ng pang-aabuso ng kapangyarihan ng ilang politiko.

“Alam nating hindi ito ang unang beses, at hindi rin ito ang magiging huli. Kaya kapag mayroon po tayong nasaksihang ganitong mga pangyayari, isumbong po natin sa DILG upang maaksiyunan natin kaagad,” dulog ni Roxas.

Maaaring maabot ang DILG sa pamamagitan ng text o pagtawag sa 09176276927 anumang oras upang mag-ulat ng mga krimen, mga iregularidad sa mga proyekto at iba pang reklamo ng mga mamamayan sa kanilang mga lugar.

ALAM

BULACAN MAYOR PATRICK MENESES

HINIKAYAT

KAYA

MAAARING

ROXAS

SPORTS UTILITY VEHICLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with