^

Police Metro

Ex-tserman, mag-ama nabistay ng bala

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Tadtad ng mga tama ng bala ang isang dating barangay chairman at isang mag-ama sa naganap na ambush kahapon sa Tondo, Maynila.

Namatay noon din dahil sa mga tama ng bala sa ulo at katawan ang biktimang si Ely Saluib, 65, dating barangay chairman na ngayon ay meat trader at residente ng no. 088 Area D, Gate 12, Parola, Compound, Tondo, Maynila.

Habang ang isang mag-ama na namatay habang dinadala sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center nang tamaan ng mga ligaw na bala ay kinilalang sina Engie Surigao, 39 at anak nitong si Akisha, 9,  kapwa residente ng no. 500 Area C, Gate 21, Parola, Binondo, Maynila.

Batay sa ulat, alas-12:30 ng tanghali nang makita ng ilang saksi na hinahabol si Saluib na nakasakay ng motorsiklo ng dalawang suspek at nang maabutan ay pinagbabaril ito sa gitna maraming tao.

Nagkataon na ibinababa naman ni Engie mula sa ipinapasadang tricycle ang anak na si Akisha na sinundo mula sa eskwelahan nang umulan ng bala at minalas silang tinamaan.

Patuloy ang im­bestigasyon ng motibo kung ito ay tungkol sa pagiging negosyante ng baboy o nakaaway nito sa pulitika noong ito ay barangay chairman pa noong taong 2002 hanggang taong 2006.

vuukle comment

AKISHA

AREA C

AREA D

BATAY

BINONDO

ELY SALUIB

ENGIE SURIGAO

GAT ANDRES BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CENTER

MAYNILA

PAROLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with