13-anyos hinalay ng dalawang kapitbahay
MANILA, Philippines – Isang 13-anyos na dalagita ang halinhinang hinalay ng dalawa niyang kapitbahay nang ito ay mauto na pumasok sa bahay kahapon ng madaling-araw sa Malabon City.
Ang dalawang suspek na agad nadakip ay kinilalang sina Aldwin Cruz, 26, obrero, at Emilio Patena, 53, pedicab driver, kapwa residente ng Yanga St., Brgy. Maysilo na kinasuhan ng “rape in relation to child abuse”.
Ang biktima na itinago sa pangalang Judy ay isinasailalim sa “counseling” ng lokal na Social Welfare and Development.
Sa salaysay ng biktima na siya ay napapayag ng suspek na si Pateña na magtungo sa kanyang bahay para mag-usap.
Pagdating doon sa bahay ay inabutan ng biktima ang suspek na si Cruz.
Ilang minutong kuwentuhan ang naganap at kasunod noon ay inumpisahan nang puwersahing halikan at hubaran ng dalawang suspek at matagumpay na nagahasa.
Bago pauwiin ang biktima ay binigyan ito ng pera ng mga suspek upang hindi magsumbong ngunit agad na ipinaalam nito sa mga magulang ang nangyaring panggagahasa sa kanya kaya’t mabilis na naaresto ang mga suspek sa isang follow-up operation.
- Latest