^

Police Metro

Ina, 3 anak,1 pa patay sa sunog

Ludy Bermudo, Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nasawi sa sunog ang isang ina at tatlo nitong anak na paslit matapos na masunog ang tinirhang abandonadong gusali kamakalawa ng gabi sa Binondo, Maynila na tumagal hanggang kahapon ng madaling-araw.

Ang mga nasawi ay ang magkakapatid na sina Peter Gerardo Sudiam Jr., 5; Gerald Mark, 3; Ge­raldine Sudiam, 1 at ina nilang si Mary Grace, 40.

Nasugatan naman sina  Violeta Acleta, 65; Mary Rose Reyes, 34; Carlito Guevarra, 41; at Solito Blanca, 32.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang naging sanhi ng sunog.

Lumalabas sa ulat, dakong alas-10:56 ng gabi nang magsimula ang apoy sa ikatlong palapag ng abandonadong gusali sa panulukan ng Muele dela Industria at Valderama Sts., Binondo at ideklarang under control  pasado ala-1:26 ng madaling-araw kahapon.

Sa salaysay ng ama na si Gerardo Sr., nang malaman niya na nasusunog ang kanilang lugar ay agad siyang umuwi mula sa pamamasada ng pedicab upang iligtas ang pamilya, subalit huli na ang lahat at nang mapatay ang sunog nakita niya ang tatlong anak na magkakayakap katabi ang kanilang ina.

Samantala, isang 26-anyos na lalaki na may “down syndrome” ang nasawi rin sa sunog kahapon ng umaga sa Makati City.

Ang nasawi ay kinila­lang si Troy John Bautista, residente ng Block 192, Upper Paraiso Street, Brgy. Pembo.

Sa ulat, dakong alas-2:34 ng madaling araw ay nasa kasarapan ng tulog ang pamilya Bautista nang sumiklab ang apoy sa bahay.

Nagawang makalabas nang magising dahil sa makapal na usok ang magkakapatid at huli na nilang malaman na naiwan sa kuwarto ang biktima.

BINONDO

CARLITO GUEVARRA

GERALD MARK

GERARDO SR.

MAKATI CITY

MARY GRACE

MARY ROSE REYES

PETER GERARDO SUDIAM JR.

SOLITO BLANCA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with