^

Police Metro

6 sundalo napatay ng Abu

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Anim na sundalo ang nasawi nang maka-engkuwentro ang mga mi­yembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) kahapon ng umaga sa Sumisip, Basilan.

Sa pahayag ni Col.Rolando Bautista, kumander ng 104th Army Brigade, dakong alas-7:30 ng umaga ay nagpapatrulya ang 64th Infantry Battalion bilang pagbibigay-seguridad sa itinatayong 64-kilometrong Basilan Circumferential Road nang makasagupa ang nasa 20 bandido sa Sitio Mompol, Barangay Libug.

Halos tumagal ng 45 minuto ang bakbakan, at kabilang sa nasawi ang isang bagitong second lieutenant.

Nagpadala na ng dagdag-pwersa sa lugar para tugisin ang naturang grupo ng Abu Sayyaf na pinamumunuan umano ng isang Radzmi Jannatul.

Tiniyak naman ni Bautista na papanagutin nila ang responsable sa pagkamatay ng mga sundalo.

Nabatid na target matapos ang Basilan Circumferential Road bago matapos ang taon.

Hindi ito ang unang pagkakataon na sinabotahe ng mga bandido ang proyektong para sa mga residente ng probinsya.

vuukle comment

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

ARMY BRIGADE

BARANGAY LIBUG

BASILAN CIRCUMFERENTIAL ROAD

INFANTRY BATTALION

RADZMI JANNATUL

ROLANDO BAUTISTA

SITIO MOMPOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with