^

Police Metro

CBCP makikinig sa panig ni VP Binay

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines – Handang pakinggan ng Catholic Bishops Confe­rence of the Philippines’ (CBCP) ang panig ni Vice President Jejomar Binay upang sa ganun ay para mapabulaanan ang mga walang basehang akusasyon sa kanya ng kalaban sa pulitika sa Senate Blue Ribbon-sub committee.

Kaya naman ay taos pusong tinanggap ni Binay ang imbitasyon ng CBCP na binuksan ang pintuan at pakinggan ang panig ng Bise Presidente kaugnay sa isyu ng katiwaliang ipinupukol laban sa kanya at  sa kanyang  pamilya.

“Isang karangalan po na makaharap kayo at ang ibang mga miyembro ng CBCP  at ng simbahan. Nagpapasalamat ako sa pagkakataong ito na malinis ang pangalan ng pamilya ko at tuldukan ang nakakapagod nang usaping ito,” sabi ni Binay sa kanyang liham kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chair of the CBCP Committee on Public Affairs.Wala pang naitatakdang petsa ng paghaharap ni Binay at ng CBCP.

Samantala, sinabi ng tagapagsalita ng Bise Presidente na si Cavite Governor Jonvic Remulla na pagdedesisyunan pa sa linggong ito  kung tatanggapin o hindi ni Binay ang imbitasyon ng Senate Blue Ribbon Committee.

vuukle comment

BINAY

BISE PRESIDENTE

CATHOLIC BISHOPS CONFE

CAVITE GOVERNOR JONVIC REMULLA

MANILA AUXILIARY BISHOP BRODERICK PABILLO

PUBLIC AFFAIRS

SENATE BLUE RIBBON

SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with