^

Police Metro

3 kolehiyala sinaksak ng adik, 1 patay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinagsasaksak ng isang lalaki na ba­ngag sa droga ang tatlong katao kabilang ang isang 17-anyos na kolehiyala nang pasukin ang kanilang bahay  kamakalawa sa Lipa City, Batangas.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si Geraldine Enriquez, 1st year  sa Bachelor of Science in Business Administration (BSBA) sa Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa.

Nilalapatan naman ng lunas  sina Liezel Hernandez, 16 at Ericka Mae Aala, 17, pawang mga estudyante.

Pinaghahanap ang tumakas na suspek na inilarawan na katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng kulay itim na t-shirt at tinatayang nasa 5’8” ang taas.

Sa ulat, pasado ala-1:00 ng madaling araw habang mahimbing na natutulog ang mga estudyante sa kanilang inuupahang bahay sa Phase 2, Block 8, Lot 2 sa Villa de Lipa II, Brgy. Sabang ng lungsod nang pasukin ng suspek at magkakasunod na pinagsasaksak ang mga natutulog na biktima.

Sa kabila naman ng sugatan ay nagawang makatakbo ng isa sa mga ito na humingi ng saklolo sa kanilang mga kapitbahay bunsod upang mabilis na tumakas ang suspek.

Isinasailalim pa ng pulisya sa masusing imbestigasyon ang kasong ito upang matukoy at mapanagot sa batas ang salarin.

vuukle comment

BACHELOR OF SCIENCE

BATANGAS

BRGY

BUSINESS ADMINISTRATION

ERICKA MAE AALA

GERALDINE ENRIQUEZ

ISINASAILALIM

LIEZEL HERNANDEZ

LIPA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with