^

Police Metro

Kilabot na sub-leader ng Sayyaf, nasakote

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nasakote ng mga otoridad ang isang pinaghihinalaang notoryus na sub-leader ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) na sangkot sa Lamitan siege noong 2001 sa isinagawang operasyon sa Lamitan City, Basilan kahapon ng madaling araw.

Ang nasakoteng suspek ay kinilalang si Nasser Usman na nahaharap  sa kasong kidnapping at serious illegal detention  sa Isabela City Regional Trial Court (RTC).

Batay sa ulat, dakong ala-1:15 ng madaling araw nang maaresto ang suspek ng pinagsanib na elemento ng Regional Intelligence Division (RID) at Police Regional Office (PRO) 9, Regional Public Safety Battalion 9; 53rd at 54th Special Action Force (SAF) ng pulisya ng Lamitan, Isabela City at Basilan Provincial Police Office sa Brgy. Tandung Ahas, Lamitan City.

Nabatid na si Nasser ay sub-leader ng Islamic Propagation and Indoctrination na nakabase sa Brgy. Tandung Ahas, Lamitan City sa panahon ng tagapagtatag ng ASG na si Ustadz Abdurajak Janjalani.

Sangkot rin ang suspek sa 1995 Ipil siege sa Zamboanga Sibugay kung saan nagpanggap na militar ang mga bandido sa pagsalakay at panununog sa nasabing bayan na kung saan ay 53 katao ang nasawi, 30 katao ang hinostage habang nilooban rin ang mga bangko at mga establisyemento dito.

ABU SAYYAF GROUP

BASILAN PROVINCIAL POLICE OFFICE

BRGY

ISABELA CITY

ISABELA CITY REGIONAL TRIAL COURT

ISLAMIC PROPAGATION AND INDOCTRINATION

LAMITAN

LAMITAN CITY

NASSER USMAN

TANDUNG AHAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with