^

Police Metro

Intel work ng PNP-HPG pinatutukan ni Roxas

Pang-masa

MANILA, Philippines - “Wala sa dagdag na patrulya ang sagot sa problema ng carnapping sa Metro Manila kung hindi sa intelligence”.

Ito ang inihayag ni Interior at Local Go­vernment Secretary Mar Roxas at inatasan  ang Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) na bisitahin muli at repasuhin ang kanilang mandato.

Ang pahayag ay ginawa ni Roxas sa pulong ng national police directorate sa Camp Crame at dito ay sinabi pa na upang mas epektibong makatulong ang HPG sa kampanya ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) kontra sa kriminalidad sa Metro Manila ay dapat na tama ang  kanilang aksiyon.

“Tignan ninyo ang IRF at GIS map para tama ang intervention, para maipaalam sa district directors,” pahayag ni Roxas na nagrekomendang balansehin ng HPG kundi man bawasan ang ginagawang pagpapatrulya.  

Partikular na pinababantayan ng kalihim ang mga “chop-chop” shops upang mas mabilis na malansag ang mga tao, grupo o sindikatong responsable sa insidente ng carnapping at motornapping sa Metro Manila.

 Ibinaba ni Roxas ang kautusan matapos na matukoy sa audit ng PNP na sa 79 na insidente ng carnapping na naitala mula Setyembre 29 hanggang Oktubre 19, 40 kaso ay nangyari sa residential areas, 20 sa kalsada at 19 sa harap ng mga establisyimento.- Joy Cantos-

vuukle comment

CAMP CRAME

IBINABA

JOY CANTOS

LOCAL GO

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE-HIGHWAY PATROL GROUP

ROXAS

SECRETARY MAR ROXAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with