^

Police Metro

UNA: Mercado nag-iimbento lang ng istorya sa Senado

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Binatikos kahapon ng United Nationalist Alliance (UNA) si dating Makati City Vice Mayor Ernesto Mercado na nagtatago sa “immunity” na bigay ng Senado para lang gumawa ng mga pagsisinungaling at pag-iimbento ng istorya laban kay Vice President Jejomar Binay.

Sinabi ni UNA inte­rim secretary general JV Bautista na ang pagsisinungaling  ni Mercado ay muli na namang narinig kamakalawa sa Senate Blue Ribbon subcommittee hearing.

Anya, sa Senate hearing ay ipinakita ni Mercado sa pamamagitan ng Powerpoint presentation ang mga resibo at billing statements mula sa Tagaytay Highlands na sinasabi na iyon ay pag-aari ni Binay.

Subalit, naglabas ng official statement  ang Belle Corporation, developer ng  Tagaytay Highlands at sinabi na walang log cabin ang Bise Presidente na una nang sinabi ni Mercado na may pag-aari si  Binay sa nasabing lugar.

Ayon pa kay Bautista na ang mga billing statements na iprinisinta ni Mercado ay hindi nagpapatibay na isang pag-aari ang log cabin na pinatunayan ng opisyal ng Belle Corp.

“Tagaytay Highlands had no record of the VP’s alleged ownership of a log cabin there. The signing privileges alluded to by Mr. Mercado can be enjoyed by any Highlands club member, which the VP is, and not just by unit owners. Now that this has been cleared up, we wonder where else this witch hunt will go to next,” wika ni Bautista.

Kinastigo din ng UNA party official ang mga subcommittee’s member-senators sa isinasagwang prejudging hearings at pagpayag kay Mercado na mag-imbento ng mga istorya na walang katibayan na akusasyon at walang material na ebidensiya na iprinisinta.

 

vuukle comment

BAUTISTA

BELLE CORP

BELLE CORPORATION

BINAY

BISE PRESIDENTE

MAKATI CITY VICE MAYOR ERNESTO MERCADO

MERCADO

MR. MERCADO

TAGAYTAY HIGHLANDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with