Roxas sinopla ang paratang na conspiracy theory
MANILA, Philippines – Itinanggi ni DILG Secretary Mar Roxas ang paratang ni Vice-President Jejomar Binay na siya ang utak ng “Oplan Nognog 2016 ” dahil abala siya sa mga direktiba ng Pangulong Aquino at may mga tinatrabaho siya ngayon para lalong iangat ang performance ng pambansang pulisya.
Ayon kay Roxas na ginagamit lang ni VP Binay ang pangalan niya para iwasang humarap sa mga akusasyon, at naghahanap siya ng ibang kakain ng atensiyon ng publiko. “Squid tactics po ang tawag dito: ang layunin, padilimin at palabuin ang tubig, ang usapan, para makatakas,” diin ni Roxas.
Nakiusap si Roxas na huwag siyang gamitin ni Binay para palabasing pulitika lang ang mga akusasyong lumalabas sa Senado at pinayuhan niya ang Bise Presidente na humarap na lang sa pagdinig na nakatakda sa Oktubre 30.
- Latest