^

Police Metro

Pemberton ‘di pa makukulong - DOJ

Doris Franche-Borja, Randy V. Datu - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tahasang sinabi ni  Justice Secretary Leila de Lima na hindi maaaring ikulong si Marine Private First Class Joseph Scott Pemberton ang   suspek sa pagpatay sa transgender na si  Jeffrey “Jennifer” Laude dahil isinasagawa pa lamang ang preliminary investigation at hindi  inquest proceeding.

Anya, makukuha  lamang ang custody ni  Pemberton, sakaling maglabas ng warrant of arrest ang  korte laban dito.

“Nililinaw ko po na ang appropriate time that we demand for his custody is kapag ho meron nang warrant of arrest na ini-issue ang korte, kasi sa kahit ano naman hong kaso... ‘pag sa stage po ng preliminary investigation, hindi pa naman ho natin ‘yan pwedeng ikulong,” ani  De Lima.

Hindi naman dumalo si Pemberton sa preliminary investigation ng Olongapo City Prosecutor’s Office, kahapon at iginiit ng Pilipinang abogado ng US Marine na si Atty. Rowena Garcia-Flores na hindi obligado ang kaniyang kliyente na humarap sa imbestigasyon.
May 10 araw din anya silang palugit para magsumite ng counter affidavit mula nang matanggap ang subpoena noong Oktubre 17.
Gayunman, hindi pa masabi ng abogado kung magsusumite sila ng counter affidavit matapos ang palugit.

ANYA

DE LIMA

GAYUNMAN

JUSTICE SECRETARY LEILA

MARINE PRIVATE FIRST CLASS JOSEPH SCOTT PEMBERTON

OLONGAPO CITY PROSECUTOR

PEMBERTON

ROWENA GARCIA-FLORES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with