^

Police Metro

Saksak sa anak, sinalo ng ama

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipinakita ng isang 48-anyos na ama ang pagmamahal nito sa kanyang anak nang saluhin nito ang saksak mula sa kaaway nito kamakalawa ng gabi sa Sta. Cruz, Maynila.

Ang biktima na namatay dahil sa tinamong saksak sa likod habang nilalapatan ng lunas sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ay kinilalang si Edgar Arceo, ng 1450 Lope de Vega St., Sta Cruz, Maynila.

Ang suspek na tumakas ay kinilalang si Jerick De Leon, 20, fish ball vendor at residente rin sa lugar.

Batay sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-8:00 ng gabi sa tapat ng tindahan ng biktima sa panulukan ng T.  Alonzo at Lope De Vega Sts., Sta Cruz, Manila ay inakusahan ang anak ng biktima na si Erwin Bumalay, 18, ng ama ng suspek na nagnakaw ng gulong ng kanilang tricycle.

Itinanggi ni Erwin ang akusasyon, subalit duma­ting ang suspek at kapatid nitong si Jason ay walang sabi-sabing sinuntok.

Inawat ng biktima ang suspek at sa pag-aakalang ayos na ay tumambay sila sa harapan ng kanilang bahay.

Ilang sandali ay duma­ting ang suspek at nang sasaksakin si Erwin ay sinalo ito ng ama na tinamaan sa likod.

 

vuukle comment

EDGAR ARCEO

ERWIN

ERWIN BUMALAY

JERICK DE LEON

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

LOPE DE VEGA STS

MAYNILA

STA CRUZ

VEGA ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with