JV kay VP Binay: Humarap na sa Senado
MANILA, Philippines - Sinuportahan kahapon ni Senator Joseph Victor “JV” Ejercito ang panawagan na pagharap ni Vice President Jejomar Binay sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon sub-committee kaugnay sa sinasabing ill-gotten wealth nito at ng kanyang pamilya.
“Sa akin mas maganda siguro sagutin na niya (Binay) ng head on... kung may chance siguro para na lang din ma-satisfy din, matapos na,” ani Ejerctio.
Pero agad itong bumuwelta at sinabi na nauunawaan niya si Binay kung nag-aalangan itong humarap sa hearing ng Senado.
Iniimbestigahan ng Senate Blue Ribbon sub-committee, na pinamumunuan ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III, ang diumano’y P2.3-billion overpriced Makati City building.
Lumawak pa ang imbestigasyon ng komite sa diumano’y 350-hectare estate ni Binay sa Rosario, Batangas.
Nauna ng itinanggi ni Binay ang mga alegasyon laban sa kanya at patuloy din itong tumatangging humarap sa pagdinig ng Senado.
- Latest