^

Police Metro

5 katao tiklo sa shabu buy bust

Mer Layson at Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines – Limang katao ang naaresto ng mga otoridad sa magkahiwalay na shabu buy-bust operation sa Marikina City at Maynila.

Sa Marikina City, kinilala ang tatlong suspek na sina Aldrin  Lesniana, 30; Clarissa Reyes, 30; at Franklin Pedregosa, 24, ng Apitong St., Marikina Heigths ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga nang isagawa ang buy-bust ope­ration ng Marikina City police sa nasabing lugar at dito ay dinakip ang tatlong suspek sa aktong nagbebenta ng shabu.

Nakumpiska ang tatlong piraso ng transpa­rent plastic sachet na naglalaman ng shabu, isang transparent plastic na naglalaman ng pinatu­yong dahon ng marijuana, isang water pipe toother, isang weighing scale, at marked money na P500.
Nakumpiska rin sa mga suspek ang isang Colt .45 caliber pistola na baril, 15 rounds ng bala at dalawang maga­zine na may lamang
bala ng kalibre .45 baril at isang sling bag.

Nadakip naman ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)  ang dalawang big time pusher sa isang buy-bust ope­ration sa loob ng isang shopping mall sa Maynila kamakalawa ng alas-7:30 ng gabi.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Jamil Gote, 18 at Sainara Tampugao, 31, kapwa jobless ng No. 152 Palanca Street, Barangay 648, Zone 67, Quiapo, Manila.

vuukle comment

APITONG ST.

CLARISSA REYES

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

FRANKLIN PEDREGOSA

ISANG

JAMIL GOTE

MARIKINA CITY

MARIKINA HEIGTHS

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with