Driver huli sa ‘masturbate’
MANILA, Philippines - Arestado ang isang 48-anyos na taxi driver nang maaktuhan ng pulisya na nagma-masturbate sa harap ng dalawang dalagita sa loob ng ipinaradang sasakyan, sa madilim na bahagi ng Ermita, Maynila, kahapon ng madaling araw.
Kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 7610 (Child Abuse Law) sa Manila Prosecutor’s Office ang suspek na si Edilberto Bartolome Y Lorenzo, walang asawa ng Mahogany St., Pasig City.
Nagsasagawa ng anti-criminality campaign ang pulisya dakong alas-2:00 ng madaling-araw ng makita ang nakaparadang taxi sa madilim na bahagi ng San Marcelino at Escoda sts., sa Ermita dahil nakitang nagma-masturbate ang suspek habang pinanonood ng mga dalagitang nasa edad 13 at 15-anyos at tinaguriang “Mga Batang Hamog”. (Ludy Bermudo)
- Latest