^

Police Metro

Rapist ng UPLB coed tiklo

Pang-masa

MANILA, Philippines - Arestado ng pulisya ang tricycle driver na umano’y suspek sa panggagahasa sa isang estudyante ng University of the Philippines Los Baños (UPLB) sa isinagawang follow-up operation sa bayan ng Calauan nitong Biyernes ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang nahuling suspek na si Jose Montecillo alyas Joey. Ang suspek ay nagtatago umano sa bahay ng tiyahin nito sa Calauan, kung saan positibo rin itong nakilala ng biktimang itinago sa pangalang Maryanne.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-10 ng gabi noong Miyerkules ang biktima mula sa panonood ng quiz bee ay sumakay umano ito sa colorum na tricycle ng suspek sa Brgy. Maahas, Los Baños.

Gayunman sa halip na ihatid ay dinala ng suspek ang biktima sa madamong bahagi ng isang bakanteng lote sa IPB Road, Brgy. Putho Tuntungin malapit sa lugar kung saan ginahasa at pinaslang ang UPLB coed na si Given Grace Cebanico noong Oktubre 2011. Matapos gahasain ay iniwan ng suspek ang biktima na nakasuot na lamang ng underwear pero binitbit ang damit nito sa pagtakas.

Ayon sa pulisya, natukoy ang suspek matapos na magtungo ang pulisya sa hospital upang makita ang misis nito na bagong panganak sa kanilang ikalimang anak, kung saan sa sulat na iniwan ng una ay humihingi ito ng kapatawaran.

Sa inisyal na interogasyon, inamin ng suspek na ginahasa niya ang estudyante pero itinangging nasa impluwensiya siya ng alak at droga. Nahaharap ngayon sa kasong kriminal ang suspek. (Joy Cantos)

 

vuukle comment

BRGY

CALAUAN

GIVEN GRACE CEBANICO

JOSE MONTECILLO

JOY CANTOS

LOS BA

PUTHO TUNTUNGIN

SUSPEK

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES LOS BA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with