^

Police Metro

8 luxury cars ni Trillanes wala sa SALN

Butch Quejada at Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pagkalipas ng 11 taon ng unang tina­lakay sa  hearing ng Feliciano Commission sa nabigong Oakwood mutiny ay bigo pa rin umano si Senador Antonio Trillanes na isama sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth ang mga mamahalin niyang sasakyan noong nasa militar pa siya.

Ito ang isiniwalat ni United Nationalist Al­liance Interim Secretary General Atty. JV Bautista at pinagtataka kung paano nagkaroon si Trillanes ng dalawang Sports Utility Vehicles (SUVs), limang van at isang malaking motorsiklo na hindi kasama sa SALN noong isa pa itong Navy lieutenant second grade.

 Ayon kay Bautista, ang isang junior officer na nasa ranggong tulad ng kay Trillanes nang panahong iyon ay sumasahod lang ng P22,000.

Batay sa rekord ng Land Transportation Office (LTO) na isinumite sa Feliciano Commission hearings noong 2003, si Trillanes ang rehistradong may-ari ng isang  Nissan Terrano model 1996 (UJW-717), Mitsubishi Pajero model 2000 (RIZ-222), limang Mitsubishi Delica van na may mga plaka na (XBD-542, XCZ-552, XBF-574, XBY-183 at WLU-445) at Kawasaki motorcycle, model 1995 na may plakang (PH-6949).

“Paano siya nakabili ng mamahaling mga sasakyang ito sa sahod lang niya bilang isang junior officer? Mukhang mahilig si Trillanes sa mamahaling sasakyan bukod sa pagkahuma­ling niya sa mamaha­ling hotel na paborito niyang sakupin,” sabi pa ni Bautista.

“Kung sinasabi niya na laban sa katiwalian ang kanyang krusada, dapat siyang magsimula sa kanyang sarili na nagmamay-ari ng walong mamaha­ling sasakyan.” wika ni Bautista.

“Mahirap ang nagmamalinis. Kung anu-ano ang sinasabi laban kay Vice President Binay yun pala sya ang may nilabag na batas at may mala­king itinatago,” wika ni Bautista.

Magugunita na kamakailan ay hinamon ni Bautista si Trillanes na magpa-lifestyle check para sa layunin ng  transparency at kapakanan ng interes ng publiko.

Agad namang pina­bulaanan ni Trillanes ang akusasyon ng UNA na umano ay isang despe­radong hakbang upang mailihis ang isyu mula sa mga kaso ng korupsiyon na iniimbestigahan ng Senate Blue Ribbon Sub-Committee kung saan siya miyembro.

BAUTISTA

FELICIANO COMMISSION

INTERIM SECRETARY GENERAL ATTY

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LIABILITIES AND NETWORTH

MITSUBISHI DELICA

MITSUBISHI PAJERO

SHY

TRILLANES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with