^

Police Metro

Rali kontra-taas pasahe sa LRT at MRT

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng rali kahapon ng umaga sa isang istas­yon ng Light Rail Transit (LRT-1) ang mga miyembro ng militanteng grupo upang tutulan ang bantang pagtataas ng pasahe sa LRT-1, 2 at sa Metro Rail Transit (MRT-3).

Bukod sa pagtutol sa pagtataas ng pasahe, umaapela rin ng umento sa sahod ang mga militante at kinukondena ang anila’y privatization ng LRT.

Plano rin umano ng grupo na magdaos ng piket sa iba pang istasyon ng LRT sa mga susunod na araw upang ipaabot sa pamahalaan ang kanilang
mga hinaing.

Kasunod ito ng anunsyo ni DOTC spokesperson Michael Sagcal na posibleng magkaroon ng fare hike para sa MRT at LRT bago mag-Pasko.

Pinabulaanan naman ni Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya ang pahayag ni Sagcal at sinabing walang fare hike sa train systems hanggang sa Nobyembre.

BUKOD

KASUNOD

LIGHT RAIL TRANSIT

METRO RAIL TRANSIT

MICHAEL SAGCAL

NAGSAGAWA

NOBYEMBRE

PASKO

TRANSPORTATION SECRETARY JOSEPH EMILIO ABAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with