^

Police Metro

Oil firms humabol sa bigtime rolbak

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ikinatuwa ng maraming motorista ang paghabol ng apat na kumpanya ng langis sa ipinatupad na  “bigtime rollback” kahapon ng madaling-araw.

Unang naiulat ang rolbak na ipinatupad ng kumpanyang Petron Corporation at sumunod ang Pilipinas Shell na nagtapyas ng presyo ng kanilang produkto.

Nasa P1.10 kada litro ang itinapyas ng Shell sa premium at unleaded gasoline; P1.55 kada litro sa diesel at P1.60 kada litro sa kerosene.

Nagbaba rin ng presyo ang independent player na PTT na nagtapyas ng P1.20 kada litro sa gasolina at P1.55 kada litro sa diesel.  Ang Seaoil naman, P1.20 kada litro ang ibinaba sa litro ng gasolina; P1.65 kada litro ng diesel at P1.60 sa kerosene.

Una namang nagdeklara ng P1 kada litrong rolbak sa gasolina at biodiesel ang kumpanyang Flying V ngunit dinagdagan rin ang tapyas presyo ng P.40 kada litro sa gasolina at P.60 kada litro sa biodiesel kaya’t umakyat sa kabuuang P1.40 kada litro ang itinapyas nila sa presyo ng gasolina at P1.60 sa diesel.

Ang epekto ng  bawas-presyo ay pagbaba rin sa presyo ng inaangkat na produktong petrolyo sa internasyunal na merkado.

ANG SEAOIL

FLYING V

IKINATUWA

KADA

LITRO

NAGBABA

PETRON CORPORATION

PILIPINAS SHELL

PRESYO

UNANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with