^

Police Metro

Checker na-suffocate sa barko, todas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay ang isang 24 anyos na checker nang ito ay aksidenteng ma-suffocate sa loob ng isang manhole ng isang nakadaong na barko sa pier ng Brgy. Bulacan, Mabini, Batangas, kamakalawa.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Marlon Macayan, 24, checker sa  Webb Fontaine at taga Alang-Alang, Leyte.

Sa salaysay sa pulisya ni Antolin Vega Jr., 2, surveyor ng Webb Fontaine, ng Meycauayan, Bulacan, dakong ala-1:40 ng hapon nang ma-suffocate ang bik­tima sa loob ng manhole ng barkong M/V Florinda 1 na nakadaong sa pier ng nasabing lugar.

Bago ito, inutusan ang biktima na pumasok sa manhole ng hold number 3 ng barko para kumuha ng sample ng kargamento nitong mais, na-suffocate ito nang makalanghap ng phospine gas dahilan upang mahilo ito at himatayin.

Isinugod ang biktima Mabini General Hospital, subalit idineklara itong dead- on arrival.

vuukle comment

ANTOLIN VEGA JR.

BATANGAS

BRGY

BULACAN

ISINUGOD

MABINI GENERAL HOSPITAL

MARLON MACAYAN

V FLORINDA

WEBB FONTAINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with