^

Police Metro

Miriam college binulabog ng bomb threat

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binulabog ng bomb threat ang Miriam College sa Quezon City kahapon.

Kaya naman ay agad sinuspinde ang pang­hapon at panggabing klase sa lahat ng antas maging ang mga empleyado kasabay ng pagresponde ng bomb squad. 

Matapos ang pagsu­yod sa kolehiyo, wala namang natagpuang bomba.

Nabatid kay Ins­pector Noel Sublay, hepe ng Explosives and Ordnance Division ng Quezon City Police District (QCPD), isang empleyado ng Mi­riam ang nakatanggap ng text na umano’y pasasabugin ang gusali.

“Magandang umaga Miriam College may surpresa ang grupo namin para sa inyo, facul­ty staff at lalo na ang mga estudyante, makinig kayo. May tinago kaming mga pasabog sa campus niyo. Hanapin niyo kung makikita niyo pero segurado ako bago niyo mahanap napasabog na namin. Dadanak ang dugo sa katipunan, maraming mamamatay at mga pa­ngarap ang mga bata at magulang ang masisira pakiaba­ngan ang mga estudyanteng hinuhuthutan niyo.”

Kuwento ng mga estudyante, tumunog ang bell sa eskwelahan at pinalabas sila dahil umano sa earthquake drill upang hindi mag-panic.
Ito na ang ikatlong bomb threat sa mga paaralan sa Metro Manila sa loob lang ng dalawang linggo. 
Oktubre 2 nang magkaroon din ng banta ng bomba sa Claret School of Quezon City habang Oktubre 7 naman nang magkaroon ng kaparehong banta sa San Beda College sa Maynila.

 

CLARET SCHOOL OF QUEZON CITY

EXPLOSIVES AND ORDNANCE DIVISION

METRO MANILA

MIRIAM COLLEGE

NOEL SUBLAY

OKTUBRE

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with