^

Police Metro

Ulo ng obrero piniko ng kabaro

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Namatay noon din ang isang 39-anyos na tile setter sa isang construction site nang hatawin ng piko ang  ulo nito na bumaon sa sentido na naganap kahapon sa Pandacan, Maynila.

Ang nasawi ay kinilalang si Arnold Fuentes Pa­labrica, may-asawa at nanunuluyan sa Tripa De Gallena sa Pasay City.

Bumaon ang piko ng halos  6 na pulgada na tumama sa utak ng biktima.

Ang suspek na tumakas ay kinilalang si Bonimar Rodriguez, 28, mason at kasamahan ng biktima sa trabaho, residente ng Taguig City.

Sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-12:40 ng hapon sa itinatayong Peninsula Garden Midtown Homes na matatagpuan sa Quirino, Pandacan ay mahimbing na natutulog ang biktima nang hatawin ito ng piko ng suspek sa mismong sentido.

Sa salaysay ng mga kasama sa trabaho na may galit ang suspek sa biktima dahil pinakikialam umano nito ang cellphone at binabasa ang mga message at ikalawa nililigawan ng  biktima ang pamangkin ng  suspek.

vuukle comment

ARNOLD FUENTES PA

BONIMAR RODRIGUEZ

BUMAON

MAYNILA

PANDACAN

PASAY CITY

PENINSULA GARDEN MIDTOWN HOMES

TAGUIG CITY

TRIPA DE GALLENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with