^

Police Metro

Engineering student nalunod sa dagat

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nauwi sa trahedya ang masayang paliligo sa dagat ng isang 19-anyos na engineering student ng Western Mindanao State University matapos na ito ay malunod kamakalawa sa Brgy. Maasin, Zamboanga City.

Ang biktima na kasalukuyang hindi pa nakikita ay kinilalang si Kassan Alih Limbuna, residente ng Upper Calarian ng lungsod na ito.

Nailigtas naman ang isa pang biktima na si Charlemain Corpus, 20-anyos nang pagtulungang masagip  ng mga kasamahan habang unti-unti ng nalulunod sa dagat. Habang nabigo na masagip si Limbuna.

Sa ulat, dakong ala-1:45 ng hapon  habang nagsisipaglangoy ang biktima kasama ang apat na kasama sa nasabing beach nang  bigla na lamang tinangay ng malakas na alon sina Limbuna at Corpus.

Nagsasagawa na ng search operations ang mga elemento ng Zamboanga City Police at ang Philippine Coast Guard (PCG) upang marekober ang katawan ni Limbuna.

BRGY

CHARLEMAIN CORPUS

HABANG

KASSAN ALIH LIMBUNA

LIMBUNA

PHILIPPINE COAST GUARD

UPPER CALARIAN

WESTERN MINDANAO STATE UNIVERSITY

ZAMBOANGA CITY

ZAMBOANGA CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with