^

Police Metro

Bata hinabol ang bola nahulog sa ilog, nalunod

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang 7-anyos na batang lalaki nang malunod ito sa Marikina River matapos na habulin ang bolang nahulog kamakalawa ng hapon.

Ang bangkay ng biktima ay narekober dakong alas-10:00 ng umaga kahapon ay kinilalang si Mark Villanueva, Grade 1 pupil, at residente ng Park 22, Police Village, Concepcion Uno, Marikina City.

Sa ulat, dakong alas-1:00 ng hapon  ay nagla­laro ng bola sa di kalayuan sa kanilang bahay ang biktima nang tumalbog ang bola nito at mahulog
sa ilog.

Tinangka naman umano ng bata na habulin ang bola ngunit aksidenteng nadulas ito at nahulog sa ilog at inanod ng malakas na agos ng tubig.

Tinangkang sagipin ang bata ngunit hindi ito natagpuan ng mga rescue team at kahapon ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng bata sa ilog na nagsisimula ng maagnas.

 

vuukle comment

BATA

CONCEPCION UNO

MARIKINA CITY

MARIKINA RIVER

MARK VILLANUEVA

NASAWI

POLICE VILLAGE

TINANGKA

TINANGKANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with