^

Police Metro

Bagong gusali sa QC ipinangalan sa namayapang Phivolcs chief

Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang kauna-unahang gusali ng disaster risk reduction management na matatagpuan sa Quezon City ang ipinangalan kay dating  Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Director Raymundo Punongbayan.

Ito ay makaraang lagdaan ni QC Mayor Herbert M. Bautista  ang isang ordinansa na naglalayong ipangalan ang  Quezon City DRRM Command Center kay  Director  Punongbayan  bilang pagkilala sa naging mahusay nitong pagseserbisyo at dedikasyon sa pagtulong sa mamamayan noong pinuno pa ito ng Phivolcs.

Si Punongbayan ay nagsilbing director ng Phivolcs mula taong 1983 hangang 2002 at noong panahon ng kanyang panunungkulan ay naipakita nito ang matinding pagtulong at pagkakaloob ng tunay na serbisyo sa mga nagdaang kalamidad sa bansa laluna noong 1990 Luzon earthquake at ang  1991 Mt. Pinatubo eruption.

Inaatasan din ng ordinansa ang  QC engineering department at ang  cultural and tourism department  na maglagay ng marker at magpatupad ng seremonya  sa pagpupugay sa namayapang si Punongbayan.

Ang  QC  ang kauna- unahang LGU na nagtayo ng sariling  DRMM building. -Angie dela Cruz-

 

COMMAND CENTER

DIRECTOR RAYMUNDO PUNONGBAYAN

MAYOR HERBERT M

MT. PINATUBO

PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

PHIVOLCS

PUNONGBAYAN

QUEZON CITY

SI PUNONGBAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with