^

Police Metro

Kotse vs. puno: 3 dedo, 3 sugatan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patay ang tatlo katao habang tatlo naman ang sugatan nang aksidenteng sumalpok sa puno ang sinasakyan ng mga itong behikulo sa naganap na insidente sa highway ng bayan ng Nasugbu, Batangas nitong Huwebes.

Idineklarang dead on arrival sa pagamutan ang mga biktimang sina Arjay delos Santos, Carla Pamplona at Bernardo delos Santos; pawang tumilapon mula sa bintana ng sasakyan matapos na mabasag ang windshield nito habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang mga sugatang sina  Jubelle de los Santos, Hazel de los Santos at Roy Villalobos; pawang residente ng Brgy. Real, Calamba City, Laguna. Ang mga ito ay nasa unahan ng behikulo.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng madaling-araw habang bumabagtas ang sasak­yan ng mga biktima na Toyota Corolla (UPC-214) sa kahabaan ng highway ng Sitio Balite, Brgy. Banilad, Nasugbu.

Masyado umanong mabilis ang takbo ng behikulo na tuluy-tuloy na sumalpok sa puno ng mangga dahil nakatulog umano ang driver ng naturang sasakyan.

vuukle comment

ARJAY

BATANGAS

BRGY

CALAMBA CITY

CARLA PAMPLONA

NASUGBU

ROY VILLALOBOS

SITIO BALITE

TOYOTA COROLLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with