^

Police Metro

2 Pasahero binoga

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Binaril ng dalawang di kilalang kalalakihan ang isang 54-anyos na lalaki at ang kasama nitong babae loob ng pampasaherong jeep kamakalawa sa Mendez, Cavite.

Ang biktimang si Albert Ching, 54, ay dead-on-arrival sa Ospital ng Tagaytay at namatay habang nilalapatan ng lunas si Jasmin Paunil, 25.

Ayon sa ulat dakong alas-9:50 ng umaga ay sakay ang dalawang biktima at dalawang suspek  sa pampasaherong jeep (DXG-790) na minamaneho ni Rode­rick Alcala at pagsapit sa JP. Rizal St., Brgy. Galicia 3, ay bigla na lang silang binaril sa ulo ng mga suspek.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na bumaba ang mga suspek sa jeep at tinutukan ang kasunod na motorsiklo (DA 35262) at pinababa ang driver nitong si Mark Esguerra at saka magkaangkas na sumakay upang tumakas patungong direksiyon ng Indang, Cavite.
Inaalam pa ang motibo ng pamamaril ng pulisya.

 

vuukle comment

ALBERT CHING

ALCALA

AYON

BINARIL

BRGY

CAVITE

JASMIN PAUNIL

MARK ESGUERRA

RIZAL ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with