^

Police Metro

Mercado isiniwalat ang mga ‘front’ ng kumpanya ni VP Binay

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naglabas ng dokumento si dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado kontra kay dating alkalde ng  lungsod na ngayon ay Vice President Jejomar Binay bilang sagot sa ­unang isinagawa nitong  press briefing kamakailan  na walang ebidensya ang mga akusasyon sa kanya sa “mala-circus” na pagdinig at hindi tatayo sa korte.

Sa muling pagharap ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Sub-committee, iprinisinta ni Mercado, ang papeles na naglalaman ng kaugnayan ni Binay sa dalawang kumpanya: New Meriras Realty and Development Corporation at Omni Security Investigation and General Services na umano ay hindi naideklara sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) nito at isa sa nasabing kumpanya ay nagmamay-ari ng lupa sa Makati na nagkakahalaga ng mahigit P1 bilyon.

Ayon kay Mercado, ang Omni Security ang siyang ilang taon nang nananalo sa kontrata para sa libo-libong security guards at janitor sa Makati.

Habang ang isa pang kumpanya ang siyang gina­mit umano ni Binay para mabili ang bahagi ng isang 8,677 sq. m. property sa lungsod na nagkakahalaga ng P1 bilyon.

Nakapangalan lamang umano sa Erlinda Chong ang lupa pero kay VP Binay ito. Kakilala umano ito ni Binay, kasama sa paglalaro ng badminton at madalas sa city hall.

Ayon pa kay Mercado, personal niyang nalalaman ang nangya­ring transaksyon dito dahil siya ang nag-ayos ng papeles ng lupain para hindi na mai-lease sa halip ay maibenta ito.

Konektado naman sa Omni Security firm si Gerry Limlingan na una nang napaulat na tumatanggap ng bahagi ng 13-porsyentong kickback ni VP Binay.

Lumutang sa pagdinig ang presidente ng Omni na si Jose Orilaza at inamin nitong dummy siya ni VP Binay.

Ibinahagi rin nitong hindi incorporator ng kumpanya si Limlingan pero lagi itong kasama sa mga transaksyon.

Sa huli, sinabi ni Mercado: “Ako ho nag-sample lang. Marami pang mga dokumentong i-li-link natin sa kanya.”
Nakatakda ang muling paggulong ng pagdinig sa Oktubre 2.

Hindi naman kumbinsido si Mercado sa net worth ni Binay na P60 milyon at ipinakita nito ang bahagi ng isang magazine program kung saan ipinakita ang bahay ni Binay.

 

AYON

BINAY

ERLINDA CHONG

GERRY LIMLINGAN

JOSE ORILAZA

LIABILITIES AND NET WORTH

MAKATI

MERCADO

OMNI SECURITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with