^

Police Metro

Comelec chief kakasuhan sa Ombudsman at SC

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kinondena ng mga mamamayan ng Aliaga, Nueva Ecija ang umano’y pakikialam ni Comelec Chairman Sixto Brillantes para hindi makaupo ang tunay na nanalong alkalde ng kanilang bayan na si Reynaldo Ordanes matapos iutos ng Cabanatuan City Regional Trial Court Branch 30 ang writ of execution sa pagwawagi nito sa halalan noong Mayo 13, 2013.

Nagwagi si Ordanes sa kanyang protesta laban kay dating Mayor Elizabeth Vargas nang 11 boto kaya nag-isyu si Judge Virgilio Caballero ng Cabanatuan City RTC Branch 30 ng Writ of Execution Pending Appeal pero ayaw umalis sa puwesto ang dating alkalde.

Napansin ng mga residente na ang humaharap sa kaso ni Vargas ay ang staff ni Brillantes na si Atty. Kim Co ng Office of the Comelec chairman.

Nabatid pa na naging abogado si Brillantes ni Vargas at ng mister nitong si Marcelo na naging mayor din mula 2001 hanggang 2008.

 

 

BRILLANTES

CABANATUAN CITY

CABANATUAN CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

COMELEC CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

JUDGE VIRGILIO CABALLERO

KIM CO

MAYOR ELIZABETH VARGAS

NUEVA ECIJA

OFFICE OF THE COMELEC

REYNALDO ORDANES

VARGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with