^

Police Metro

Mag-ina tinirgas ni mister

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kalaboso ang isang 49-anyos na lalaki matapos na ispreyan nito ng tear gas ang kanyang mag-ina bunsod ng kalasingan nito, kamakalawa ng hapon sa Port Area, Manila,

Nasa kustodiya ng Manila Police District-Women and Children Protection Unit ang suspek na si Saturnino Pineda Y Macanay, 49, residente ng Block 15, Baseco Compound, Port Area, Manila. 

Sa reklamo ni Nelia Osuya, street sweeper, live-in partner ng suspek, dakong alas-5:00 kamakalawa ng hapon nang dumating umanong lasing ang suspek.

Hindi naman umano nila pinansin ang suspek at laking gulat na lang nila ng lumapit sa kanila na bitbit ang tear gas at bigla itong ini-spray sa kanilang mukha na nagresulta upang humapdi ang mata ng mga biktima at agad na nagsumbong sa barangay officials kaya inaresto ang suspek.

Giit pa ng ginang, hindi na umano nag-aabot ng pera ang mister ay madalas pa silang sinasaktan lalo na kung lasing.

Paliwanag ng suspek, ang tear gas umano ay napulot lamang nila at nang nasa bahay na siya ay sinubukang pindutin kung may laman pa itong kemikal.

 

BASECO COMPOUND

GAS

GIIT

KALABOSO

MANILA POLICE DISTRICT-WOMEN AND CHILDREN PROTECTION UNIT

NELIA OSUYA

PALIWANAG

PORT AREA

SATURNINO PINEDA Y MACANAY

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with