^

Police Metro

Deniece nabitin ang paglaya

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos na maka­pag­lagak ng P500,000 na piyansa ang mode­long si Deniece Cornejo kaugnay ng kinakaharap niyang kasong serious illegal detention na isinampa ng actor-tv host na si Ferdinand ‘Vhong’ Navarro ay naantala naman ang paglaya nito sa kanyang detention cell sa Camp Crame makaraang magkulang ang requirements ng kanyang release order.

Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Cornejo, ang  cash bond na P500,000 ay kanilang inilagak sa Pasig City  Regional Trial Court (RTC).

Inihayag pa ni Topacio, nakahanda ang kanyang kliyente na harapin ang kanyang mga kinakaharap na kaso na isinampa ni Navarro.

Lubos din nagpapasalamat ang kampo ni Cornejo kay Judge Paz Esperanza Cortes ng Taguig RTC branch 271 dahil kinatigan ang kanilang apela na makapagpiyansa.

Una nang nakalabas kamakalawa sa kanilang kulu­ngan ang iba pang akusado na sina Cedric Lee at Simeon Raz.

CAMP CRAME

CEDRIC LEE

CORNEJO

DENIECE CORNEJO

FERDINAND TOPACIO

JUDGE PAZ ESPERANZA CORTES

NAVARRO

PASIG CITY

REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with