^

Police Metro

Pamilyang Tsinoy ginapos

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Natangayan ng ma­laking halaga ng salapi at alahas ang isang pamil­yang Tsinoy ng sila ay mabiktima ng “gapos gang” na pumasok sa kanilang bahay sa Valenzuela City.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Senga Alfredo Lee, sales executive; misis na si Maria Theresa; dalawa nilang anak na may edad 13 at 15-anyos, at dalawang kasambahay.

Batay sa ulat, dakong alas-7:00 ng umaga ay paalis na sa kanilang bahay sa no.144 V. Cordero St., Brgy. Marulas, ang pamilya Lee upang pumasok sa trabaho at paaralan lulan ng kanilang  Toyota Fortuner (ZSB-576) nang hara­ngin ng apat na armadong lalaki at inutusan silang bumaba sa sasakyan.

Dinala ng mga suspek ang pamilya Lee at dalawang kasambahay sa master’s bedroom at doon iginapos ang paa’t kamay gamit ng electrical cords. 

Pagkatapos ay hinalughog ng mga magnanakaw ang buong kabahayan at tinangay ang mga pera, alahas, bank passbooks, ATM cards, at iba pang importanteng dokumento.

Tumakas ang mga salarin lulan ng hindi mabatid na uri ng behikulo. 

Nagawa namang ma­kaalpas sa pagkaka­gapos ang mga biktima ngunit umabot pa umano ng tatlong oras bago nila naisuplong sa pulisya.

vuukle comment

BATAY

BRGY

CORDERO ST.

DINALA

KINILALA

MARIA THERESA

SENGA ALFREDO LEE

TOYOTA FORTUNER

VALENZUELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with