^

Police Metro

Pulis dedbol sa nakamotor

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang pulis nang ito ay pagbabarilin habang nakatayo ng dalawang lalaki kamakalawa ng hapon sa Brgy. Polo, Dapitan City, Zamboanga del Norte.

 Ang nasawing biktima ay kinilalang si PO3 Ardie Galleposo, 43-anyos, may-asawa, nakatalaga sa Mutia Police Station at residente ng Brgy. Polo sa lungsod.

Sa ulat ni Inspector Dahlan Samuddin, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9 dakong alas-3:35 ng hapon ay kasalukuyang nakatayo sa tapat ng isang tindahan ang biktima nang bigla na lamang pagbabarilin ng dalawang armadong salarin at nagtamo ng mga tama ng bala ng cal. 45 pistol sa katawan.

Isa sa mga suspek ay nakasuot ng bull cap at ­t-shirt na may stripe na asul at puti na tumakas sakay ng motorsiklong Honda XRM 125 na malabo ang plaka.

Nabatid na bago ang pamamaslang ay namataan na ang mga salarin na umaaligid sa lugar na  tila may inaabangan.

 

vuukle comment

ARDIE GALLEPOSO

BRGY

DAPITAN CITY

INSPECTOR DAHLAN SAMUDDIN

ISA

MUTIA POLICE STATION

NABATID

NORTE

POLICE REGIONAL OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with