^

Police Metro

Pumalag sa holdap, tinodas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang kawani ng Hall of Justice na si Rey Plaza, makaraan itong pagsasaksakin ng mga holdaper sa sinasakyang van naganap kamakalawa sa Brgy. Sta. Maria, Trento, Agusan del Sur.

Batay sa ulat, bago naganap ang panghoholdap dakong alas-4:00 ng madaling-araw ay  sakay ang biktima ng pampasaherong kulay abong MB 100 Mercedez Benz van (UUS-189) na minamaneho ni Nielson Escudero nang holdapin ng tatlong lalaki  na nagpanggap na pasahero pagsapit sa KM27,  Brgy.  Sta Maria, Trento ng lalawigan ang 12 pasahero kasama ang biktima na galing Davao City.

Armado ng patalim ay agad na tinutukan ng mga suspek ang mga pasahero at dalawa sa mga ito ang nakapagitna sa biktima.

Pumalag ang biktima kaya nairita ang mga holdaper at pinagtulu­ngan itong saksakin bago tinangay ang dala nitong P15,000.00 cash, Nokia at Samsung cellphone gayundin ang iba pang mga kagamitan.

Nilimas rin ng mga suspek ang pera, alahas at mga personal na kagamitan ng iba pang  pasahero.

Nagawa namang maharang ni Sgt. Oliver Flores ng 7th Special Forces Company ang isa sa mga suspek na kinila­lang si Louiejay Pejano, 30, matapos itong marad­yuhan ng Trento  Police sa checkpoint sa San Jose Patrol Base.

vuukle comment

BRGY

DAVAO CITY

HALL OF JUSTICE

LOUIEJAY PEJANO

MERCEDEZ BENZ

NIELSON ESCUDERO

TRENTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with