7 cosmetics products bawal gamitin
MANILA, Philippines - Nagpalabas ng kautusan ang Food and Drug Admnistration (FDA) na nagbabawal sa paggamit ng pitong cosmetic products na mataas ang mercury level.
Inihayag ni FDA head Kenneth Hartigan-Go na ang mga produkto na nadiskubreng mataas ang mercury content ay ang Feique Herbal Extract Chinese Herbal Formula; Whitening Anti-Freckle Set Anti-Melanin Anti-Freckle Whitening (2 in 1), Jiaoli Huichusu Intensive Whitening Sun Screen and Spots Removing Set; Mifton;
BG Ginseng & Ganoderma Lucidum Natural Essence; BG Sea Pearl & Papaya Natural Essence 6 Days Specific Eliminating Freckle Whitening Sun Block Cream; Jiaoli Herbs Essence Whitening AB Set at Golden Pearl Beauty Cream.
Pinapaalalahanan ng FDA ang consumer ng mga produktong may FDA market authorization ang bilhin at bumili lamang sa mga legal na distributor.
- Latest